"bayad pu. Pakisuyo."
"metung."
"ita pung sukli keng beynti."
"para!"
"sh*t limpas naku, KALAWOT!"
pamilyar?
Nasabi mo naman na siguro kahit isa dyan, ano?
Dyip.
Oo, sa dyip.
Sa dyip maraming kwento, may tawanan, tsismisan, pagtatalunan, alaskahan at meron ding nkikitawa lang, nkikitsismis at nakikitalo, nakikialaska na din.
Madalas akong bumyahe mag-isa, kaya palagay ko isa rin ako sa mga 'nakiki'.
Wala lang.
Nasabi ko lang.
Di ako sigurado kung interesting 'to.
Pero sigurado akong may mararating ako sa pagsakay ng dyip.
Halos araw-araw naman akong sumasakay, paroo't parito, pauwi't papuntang trabaho, pano naman kase syete lang 4 kilometers na! O, di ba? ONLY IN THE PHILIPPINES.
Marami ding sinasabi ang dyip sa kung anung klase ng tao ang mga PILIPINO at kung paanung pamumuhay at kultura ang meron sa PILIPINAS.
Korni?
Alam ko.
Pake mo? :Þ
kung di mo pa alam, sa dyip nag-umpisa ang konsepto ng bayanihan.
Sa bawat 'bayad po' alam mo nang mayroong kamay na mag-aabot sa bayad mo (kung di mo abot ang driver), pati na rin sa sukle syempre.
Madami kang dala? Madali lang sumakay sa dyip kahit alam mong kandakuba ka pag sasakay, kase di kaylangang magbuhat, may hihila sa bayong kung san mo man nais maumupo.
May magsesecond the motion din sa 'para' mo kung sakaling bingi si manong.
Sa dyip, bilang disadvantage, walang aircon, masikip at langhap mo lahat ng alikabok, mababasa ka din kung biglang uulan at di prepared si manong.
Pero mas badtrip kung may kasakay kang emoterang chaka na nag-iinarte pa! Yun bang tipong iisnabin lang yung pangangawit ng braso mo sa pag-abot ng bayad mo? Panu naman yung mga tipong kakasakay mo lang at sya kanina pa, umupo ka sa malayo sa driver at pagkaupo mo pinapaabot ang bayad nya?(sarap dikdikin).
Eto pa, katabi mo panay tingin sayo mula taas pababa (vice versa) taz magtatakip ng ilong! Ganda nya, my D&G PERFUME ba sya? Ako meron! Mukha lang naman syang paa at walang pang fashion statement!
Lastly, dalawang impakta sa harapan mo na magbubulungan at titingin sa'yo at pagkatapos magtatawanan! Kung di ko pa alam na malakas ang loob nilang mgshorts, puno naman ng kurikong at galis!
Last na tlga toh. Anu namang mararamdaman mo kung kalahating pwit lang nkaupo sayo at makikita mong kumportableng kumportable si ale na sided pa ang pag-upo. At pagkasabi mong 'pwede pong pausog?' ng nakasmile eh sisimangutan ka pa! Kapal ng face mula angeles hanggang CSFP.
Asar factor!
Ang mas malupit pa dyan, mga mukhang iguana lang ang gumagawa ng mga bagay na nakakaasar sa dyip!
SUGGESTIONS:
-wag ipractice yang mga bagay na yan kung ayaw mong magmukhang iguana.
-kung ayaw mong mag-abot ng bayad, maglakad ka na lang!
-kung driver ka, NAKAKAHIYA NAMAN SA'YO KUNG WALA KANG BARYA!
-guys, masikip! Sana naman give way to oldies, kahit wag na sa mga girls.
Yun na, pero may kwento ako. Yung iba sa inyo alam na to. Sa pagkakaalam ko nangyari to sa dyip.
May prof ako dati (sa accounting), madalang lang mgbiro pati magsalita ng out of the topic. Matalino. Yun. One day, we don't have much left to do and we still have time for something, nagkwento si SIR, the story exactly goes like this:
SIR: minsan sa buhay mo, may mga pagkakataong di mo mamamalayang nagmumukha kang tanga.
KAME: ???
SIR: kasi nung minsan may experience ako sa DYIP, pauwi ako ng Tarlac nun. Nagkukwentuhan sila, nakinig naman ako. Isang araw daw may isang kawal na nagkasala sa kaharian. Sabi ng hari, 'anung gusto mong kaparusahan, magpalapa sa leon o magpapasok ng bubuyog sa tenga mo't lalabas sa kabila?', natawa ang kawal sa loob-loob niya at nasabing 'magpapasok nalang po ng bubuyog sa tenga kamahalan.' di sya nakitaan ng anu mang takot. 'yun ba ang gusto mo? Mainam. Mga kawal, PALABASIN SI JOLLIBEE!' ang sabi ng hari. Nagtawanan sila, nakitawa naman ako kahit di ko sila kilala!
Kame: ahh.. Joke?
Sir: (pinatay ang mga ilaw at lumabas)
korni ulet!
Isa pa.
Troy: (seryoso 'to) nung papunta ako kanina dito nakasakay ako sa DYIP, SOBRANG BAHO. Amoy patay na daga o higit pa dun. May matanda sa likod ng driver, mukhang tindera at may dalang timba. Nagtakip ako ng ilong, tapos may sumakay na babae instinct na nagtakip din sya ng ilong na parang maduduwal na. Mayamaya, tinanong nya yung matanda, 'ano po yan?', 'baket? Bibili ka?' sagot ng matanda. Di na nakayanan ng babae at nagpara sya. Nagulat ang driver at biglang nagpreno! Natumba yung timba.
Kim: (silence)
troy: natumba ang timba!
Kim: anung laman?
Troy: baket? Bibili ka?
Kim: bwahahahaha
ayun.
"KATAS NG SAUDI", masarap sakyan yan! Sakay na!
No comments:
Post a Comment