Napatayo ako sa kama dahil naamoy ko ang ginigisa nyang bawang at sibuyas, mag-aalas dose na pala, bigla kong naalala ang gutom ko.
Naglakad ako papuntang kusina at nasumpungan ko ang pinto, nasilayan ko sya habang hawak ang kutsilyo sa kanan at kamatis sa kabila.
Di na sya katulad ng dati, nagbgo na ang itsura nya. Tumatanda na, pumuputi ang buhok, unti-unti na ding kumukulubot ang balat, lumalabo ang mata at numinipis ang mga hibla ng kilay nya.
Matagal ko syang pinagmasdan, mula ulo hanggang talampakan. Pati ang suot nyang damit, pati ang kilos ng mga mata at mga kamay. Di nya napansin ang presensya ko, "oo nga pala, malabo na kasi ang mata nya" naibulong ko.
Ramdam ko ang gigil sa bawat pagdampi ng kutsilyong stainless sa kawawang kamatis, dinig na dinig ko din ang pagtama niyon sa sangkalang pinaluma na ng panahon, at ang pagsaliw ng tunog ng ginigisang bawang at sibuyas. Umaalingasaw ang amoy na yun, sumisiksik sa ilong, pero masarap sa pakiramdam at sa kumukulo kong tyan.
Sa tantya ko, kauuwi nya lang galing trabaho, tapos nagluto sya agad, samantalang ako, kagigising lang at pupungas-pungas pa. Naghihintay lang na maluto iyon para makakain na. Bagaman ganoon, di sya nagrereklamo. Ni wala akong narinig na kesyo pagod sya, o masakit ang rayuma nya o di kaya gutom na gutom na sya.
Nahagis ang paningin ko sa gawing kanan, napatingin ako at napangiti ng makita ko ang lata ng hokkaido. Sinunod nya ang timpla ng panlasa ko, di sya nagprito ng longganisa o ng hotdog, sardinas! Kay saya at gaan ng pakiramdam, dininig nya ako. Di ganun kasarap ang sardinas, pero alam kong mapapasabak ako sa kainan dahil madalang lang naman yun ang nakahain sa mesahan, ternuhan pa ng umuusok na kanin.
San tambak pa pala ang maruruming pinggan na nagamit kagabi, "hay!" buntong-hininga ko iyon sa sarili ko, ano ba naman ako?!
Walang ginawa kahit ano!
"boy! Boy! Boy!"
napukaw ako ng tawag na yun, may luha sa mata ng taong pinanggagalingan ng tinig. Naiwan ko palang bukas ang TV at ang electric fan, si Roberta kilala sya bilang mumay. Naihip nanaman ng hangin ang pag-iisip ko, napakasat ulit sa kama at nanuod, may mga pagkakataon pa ngang wari'y tinatawag ako ng unan ko "HALIKA, HUMIGA KANA. PARANG MASARAP MATULOG ULI." tukso. Di ko mahimay ang mga tumatakbo sa kukote ko, biglang sumakit ang bumbunan ko at natuktok nalang sa panunuod.
Madalang lang ang masaya, puro malulungkot yata.
Pagkatapos nun, naibalik sa tyan ko ang atensyon ko. Byernes na bukas, may napag-usapan na kaming gagawin ni mama at paniguradong magiging masaya yon. Sa sabado, manunuod kame ng sine, pero di ko pa alam kung ano. Sa ganoong paraan man lang ay makabawi ako.
Gusto ko din sanang magpamasahe kaming dalawa. Para naman matanggal ang sakit ng kalamanan nya, at ang mga lamig sa katawan nya.
Magiging maayos din ang lahat, mawawalan din ng bulok na laman ang isip ko. Magiging masaya din ako, kame, at tayong lahat.
Nuod tayo ng sine sa sabado, anu bang magandang palabas? Yung di pambata at di din naman pang matanda.
Bumukas ang pinto, "mangan tana." si mama, anu ba yan lalung lumalalim ang guilt ko! Pero ansarap ng tinig nya sa pandinig ko, MUSIKA! At wala ng makakarevive pa. :)
i ♥ u mama ko!

No comments:
Post a Comment